Tila nakukulangan ang grupong Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN sa rekomendasyon ng Ombudsman na kasuhan na rin ang dating Pangulong Noynoy Aquino sa usapin ng DAP o Disbursement Acceleration Program.
Reaksyon ito ni BAYAN Secretary General Renato Reyes hinggil sa nasabing rekomendasyon ng Ombudsman.
Sinabi sa DWIZ ni Reyes na hindi pa naman nila nababasa ng buo ang nasabing rekomendasyon ng Ombudsman kaya’t wala pa silang pasya sa magiging sunod na hakbang ng grupo kaugnay sa naturang usapin.
“Kulang pa, pero mas mainam ito kumpara dun sa nakaraang taon kasi sa nakaraang taon talagang zero, hindi siya (dating Pangulong Noynoy Aquino) kasama sa mga kakasuhan, so ngayon medyo may pag-usad, meron na siyang kakaharaping kaso at meron na siyang dapat panagutan, pero ang sabi nga natin hindi pa sapat, hindi pa ‘yan ang kabuuang hustisya na nais nating makamit.” Pahayag ni Reyes
(Ratsada Balita Interview)