Nadiskarga na ang nasa 5,000 sako ng inangkat na bigas para sa National Capital Region.
Ayon kay National Food Authority Spokesman Rex Estoperez, asahan na ngayong weekend sa mga pamilihan ang murang bigas na inangkat ng pamahalaan mula sa Vietnam at Thailand.
Maliban dito, naipamahagi na rin ng NFA ang 28,000 sako ng bigas sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga.
Samantala, inaasahan namang darating sa Hulyo at Agosto ang ikalawang batch ng inangkat n bigas ng pamahalaan.
Matatandaang naantala ang pamamahagi ng bigas sa mga pamilihan dahil sa walang humpay na pag-ulang naranasan nitong mga nagdaang araw.