Hindi na dapat gawing malaking issue ang pagkaka-kumpiska sa cellphone umano ni dating Senador Bong Revilla Jrat pagpo-post nito ng selfie sa Facebook kahit nakapiit sa PNP-Custodial Center.
Ito ang inihayag ni dating Senador Jinggoy Estrada na nakasama noon ni Revilla sa bilangguan dahil sa kasong may kaugnayan sa pork barrel fund scam.
Mahigpit naman talaga doon, noong nandoon pa ako sa PNP Custodial Center, lalo na nung dumating ‘yung isang babaeng senadora. Hindi na siguro big deal ito. Masama rin ang loob ni Sen. Revilla, masyadong na-magnify ang cellphone issue kahit hindi na naman dapat. Pahayag ni Estrada
Naniniwala rin si Estrada na hindi pag-aari ng kanyang kaibigan ang cellphone na kinumpiska at imposible rin anyang makapag-post ito ng status update sa social media. Aniya, halos lahat silang mga senador ay may kanya-kanyang administrator ng social media accounts nila.
Samantala, kumbinsido rin ang dating senador na nahabag ang isa sa mga tauhan ni Revilla sa tagal ng pagkakakulong nito kaya’t nag-post sa social media kasabay ng ika-apat na taon ng dating mambabatas sa piitan.