Tutol si Senador Sherwin Gatchalian sa panukala ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency na magsagawa ng mandatory drug testing sa mga guro at mga estudyante mula grade 4 pataas.
Ayon kay Gatchalian, walang ligal na basehan ang pagsasailalim sa mandatory drug testing sa mga batang edad siyam pataas.
Posibleng aniyang matakot ang mga bata sakaling gawin ito at maaring magkaroon ito ng epekto sa kanilang estadong emosyonal at psychological.
Binigyang diin ng senador na mayroon din sapat na prevention program ang DepEd para mapigilan at mabawasan ang paggamit ng iligal na droga ng mga estudyante.