Bumaba ng 49% ang mga kaso ng kirmen sa buong Metro Manila simula July 2016 hanggang May 2018.
Ito ang inihayag ni National Capital Region Police Office o NCRPO Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar.
Ayon sa NCRPO Chief, malaking tulong sa pagbaba ng crime rate sa buong kamaynilaan ang pinaigting na implementasyon ng mga batas at city ordinances laban sa mga tambay na pinagsisimulan ng krimen.
Kung ikukumpara aniya sa taong 2014 hanggang 2016, mas malaki aniya ang ibinaba ngayon ng krimen sa bansa dahil sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga tambay.
“Ito pong 23 months mula pa noong July until May ng 2018. 23 months po yun, i-compare po natin sa July of 2014 until May of 2016, 49% po o kalahati ang ibinaba ng krimen kaya talagang nakatulong ng malaki itong intervention na ginagawa natin para sa mga crimes or other crimes committed at ito pong implementation sa mga ordinances.”