Pinalawig pa nang tatlong buwan ang umiiral na nationwide state of emergency sa bansang Egypt simula sa Hulyo 14.
Ito ay matapos aprubahan ng parliyamento ng Egypt ang nasabing extension sa kanilang nationwide state of emergency na huling pinalawig noong Abril.
Magugunitang ipinatupad ang state of emergency sa Egypt noong nakaraang taon matapos ang insidente ng pambobomba sa dalawang simbahan sa nasabing bansa na ikinasawi ng nasa apatnapu’t lima (45) katao.
Patuloy na nahaharap sa kaguluhan ang North Sinai Region sa Egypt dulot ng Islamic State kung saan daan-daang mga pulis, sundalo at sibilyan na ang nasawi.
—-