Pinaalalahanan ni Education Secretary Leonor Briones ang mga estudyante na palagiang magdala ng ID para maiwasang mapagkamalang tambay.
Gayundin, aniya ang mga magulang na siguraduhing masusundo agad ang kani-kanilang mga anak sa paaralan.
Ayon kay Briones, paulit-ulit nilang pinaalalahanan ang mga eskwelahan na obligahin ang mga estudyante na magsuot o magdala ng ID lalo na ang mga nagko-commute.
Dagdag ni Briones, may mga unique student numbers na nakalagay sa mga ID ng mga estudyante sa pampublikong paaralan na hindi napapalitan kahit lumipat pa ang mga ito sa ibang eskuwelahan
Paliwanag ni Briones, kanilang ginagamit ito para masundan ang sitwasyon ng isang estudyante kahit lumipat ng ibang paaralan.
—-