Ipinagbabawal na ng Philippine National Police-National Capital Region Police Office o PNP-NCRPO sa lahat ng nasasakupang pulis ang paggamit ng salitang “tambay” sa kanilang report at maging sa media interviews.
Ayon kay PNP-NCRPO Director Guillermo Eleazar, layon nito na maiwasan na ang ispekulasyon na kahit ang mga nakatayo lamang sa kalsada ay hinuhuli ng pulis.
Sinabi ni Eleazar na matagal nang ginagawa ng PNP ang kanilang disciplinary drive subalit nabigyang pansin lamang nang marinig na ito mula sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Tiniyak ni Eleazar na mananagot ang mga pulis na umabuso o hindi nag-iisip sa kanilang ginagawang pag-aresto.
“Part of the disciplinary drive that we are conducting, napakatagal na po naming ginagawa ‘yan, ‘yan din po ay namo-monitor ng media kaya lang hindi nabibigyan ng emphasis kasi hindi binanggit ng Pangulo, we can only arrest people who are violating or committing crimes and the rest we cannot arrest anymore.” Pahayag ni Eleazar
—-