Isang barangay chairwoman at kapatid ng bigtime umanong druglord na si Richard Prevendido ang patay matapos tambangan sa bayan ng San Joaquin, Iloilo.
Kinilala ang biktimang si Remia Gregori, barangay chairwoman ng Bakhaw, Mandurriao, Iloilo City.
Ayon kay Senior Insp. Asencion Ortizo, hepe ng San Joaquin Municipal Police, ilang beses pinaputukan si Gregori habang nasa beach resort na pag-aari ng kanilang pamilya.
Si Gregori na kapatid ni Prevendido ay sinasabing kabilang sa mga high-value target dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal drug trade sa Visayas.
—-