Tuluyan ng kinasuhan na ang tatlong empleyado ng Bureau of Internal Revenue na naaresto sa isang entrapment operation sa San Juan.
Hunyo 21 nang masakote ng National Bureau of Investigation BIR Regional Investigation Division Special Investigators Arturo Buniol, Gary Atanacio at Edgardo Javier sa Greenhills.
Inihain ng Presidential Anti-Corruption Commission sa Office of the Ombudsman ang kasong paglabag sa anti-graft and practices act at code of conduct and ethical standards for public officials laban sa tatlo.
Naaktuhang humihingi sina Buniol, Atanacio at Javier ng 75,000 pesos na “cut” o porsyento ng isang taong tax liability mula sa 1.2 million na binayarang buwis ng isang chinese restaurant.
Sa naturang operasyon, nagpanggap na accountant si PACC Commissioner Greco Belgica katuwang ang NBI – Special Task Force.
(with report from Aya Yupangco)