Hindi sumipot sa ikalawang pagkakataon sa hearing kaugnay sa criminal complaint ng mga magulang ng mga batang tinurukan ng Dengvaxia si Health Secretary Francisco Duque.
Nahaharap sina Duque, dating Health Secretary Janette Garin at iba pang respondent sa reckless imprudence resulting in homicide, torture resulting in the death of any person at torture committed against children na paglabag sa Republic Act 9745.
Kabilang din sa mga inirereklamo sa Department of Justice ang mga opisyal ng Zuellig Pharmaceutical Corporation na nag-distribute ng Dengvaxia sa Pilipinas at sanofi pasteur na manufacturer ng naturang anti-dengue vaccine.
Samantala, nakapagsumite naman ng kani-kanilang kontra salaysay ang karamihan sa mga respondent gaya nina Garin at Dr. Lyndon Lee-Suy.