Sinimulan na ng Department of Agriculture ang implementasyon ng Suggested RetAIL prices o S.R.P. sa mga piling agricultural product sa Metro Manila.
Ipinatupad ang S.R.P. sa regular-milled rice na 39 Pesos kada kilogram; Bangus, 150 Pesos kada kilo; Tilapia, 100 Pesos kada kilo; Galunggong, 140 kada kilo;
Pulang Sibuyas, 95 kada kilo; puting Sibuyas, 75 kada kilo at imported na Bawang, 70 Pesos kada kilo.
Ipinaliwanag ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na mag-iiba ang S.R.P. ay sa bawat rehiyon dahil isang batayan sa pagtatakda ng presyo ang lugar.
Dahil sa implementasyon ng S.R.P., maaari lamang tumaas ang presyo ng mga produkto ng hanggang sampung porsyento habang maaaring magmulta ng 1,000 hanggang 1 Million Pesos ang lalabag.