Nakatakdang magpulong sa susunod na linggo ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) upang talakayin ang banat umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Diyos at sa istorya ng paglikha sa Biblya.
Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo nababahala ang simbahan sa tila pang-iinsulto at pambabastos na inasal ni Pangulong Duterte matapos ang pahayag nito na estupido ang Diyos.
Sinabi rin ni Pabillo na isang taktika lamang ang pambabatikos ni Pangulong Duterte sa Simbahan upang ilihis ang atensyon sa mga tunay na isyu gaya ng kawalan ng aksyon ng gobyerno laban sa China.