Asahan pa rin ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan na may pulo-pulong pagkulog at pagkidlat sa kanlurang Kabisayaan, Zamboanga Peninsula, hilagang Mindanao at Palawan dahil sa habagat.
Samantala, tinatayang nasa layong 1,750 kilometro sa silangan hilagang silangan ng dulong hilagang Luzon ang binabantayang tropical storm na may international name na Etau na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 80 kilometro kada oras.
Kumikilos ito ng hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Wala namang tiyansang pumasok ng PAR ang bagyo ngunit pinalalakas pa rin nito ang hanging habagat na maaring magbigay ng mga pag-ulan lalo na sa kanlurang bahagi ng bansa.
By Mariboy Ysibido