Natukoy na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pinagmulan ng kumakalat na larawan sa internet hinggil sa umano’y Sampung Libong Pisong perang papel
Ayon kay Joy Ditching – Lorico, Managing Director ng BSP Currency Managemeent sub-Sector, nagmula ang nasabing larawan sa lalawigan ng Pampanga pero tumanggi na siyang magbigay ng karagdagang detalye habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Kasunod nito, muling iginiit ng Bangko Sentral na wala silang ipinalalabas na Sampung Libong Pisong perang papel at hindi ito kasama sa bagong edisyon ng inilabas nilang bank notes.
Nakalagay sa kumakalat na larawan ng Sampung Libong Pisong papel ang mukha ni dating Pangulong Ramon Magsaysay sa harap at ang Mt. Pinatubo naman ang nasa likod niyon.