Magpapatupad ng bigtime oil price roll back sa kanilang mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong umaga.
Piso at labing limang sentimo ang ibaba sa presyo ng kada litro ng gasolina, 90 sentimo sa kada litro ng diesel habang 85 sentimo naman ang tapyas sa kada litro ng kerosene.
Kabilang sa mga kumpanyang mga magbabawas ng presyo epektibo mamayang ala 6:01 ng umaga ang Shell, Caltex, Eastern Petroleum, Phoenix, PTT, Total at Unioil.
Habang nauna nang nagpatupad ng tapyas presyo sa kanilang produktong petrolyo ang Seaoil kaninang alas 12:01 ng madaling araw.
Ang oil price roll back ay bunsod naman ng paggalaw sa presyuhan sa pandaigdigang pamilihan at pasiya ng organization of petroleum exporting countries na dagdagan ang produksyon ng langis.
Samantala, sinabi naman ng Department of Energy na posibleng masundan pa ang oil price roll back sa mga susunod na linggo.