Pinagmumulta ng Korte Suprema sina Vice President Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos matapos labagin ng dalawang kampo ang inisyung gag order nuong buwan ng Abril.
Ang gag order na ipinalabas ng Supreme Court na siyang tumayo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) ay nag-uutos sa dalawang kampo na huwag isapubliko ang mga merits ng kanilang kaso habang nakabinbin pa ito korte.
Ngunit batay sa inanusyo ng Supreme Court Public Information Office hindi nagpa-awat ang mga kinatawan ng magkabilang panig sa pagsasalita kaugnay sa mga itinuturing na senstibong impormasyon kaugnay sa nagpapatuloy na manual vote recount.
Dahil dito pinagbabayad ng Korte Suprema sina Marcos at Robredo ng 50,000 Piso bilang multa sa kanilang naging paglabag.
Magugunitang nagsampa ng electoral protest ang dating Senador dahil sa umanoy pandaraya ng kampo ni Robredo sa halalan nuong Mayo 2016.