Sumama na rin ang Britain at France sa Germany sa mga bansang nangakong tatanggapin ang libu-libong mga refugees na nais takasan ang lumalalang giyera sa Gitnang Silangan.
Patuloy pa rin ang paghahanap ng solusyon ng European leaders sa giyera sa pagitan ng Syria at Iraq dahilan para mag-alisan na ang libu-libong mga Syrian sakay ng mga bangkang tumatawid sa Mediterranean patungo sa 28 bansang kasapi ng EU.
Pinuri naman ni German Chancellor Angela Merkel ang mainit na pagtanggap ng kanilang mamamayan sa 20,000 naghahanap ng Asylum na tumawid sa southern borders noong weekend.
Nangako rin si Merkel ng bilyong halaga para sa patuloy na pabahay ng mga refugees.
By Mariboy Ysibido