Binasag na ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang kaniyang katahimikan hinggil sa mga birada ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa Diyos.
Bagama’t kasalukuyang nasa Geneva, Switzerland ang Kardinal, nanawagan ito sa mga mananampalataya na manatiling mahinahon at huwag magpa-apekto sa mga gumugulo ngayon sa pananampalataya.
Binigyang linaw din ni Tagle na hindi na bago ang mga pagkuwestyon sa Diyos gayundin sa mga doktrina ng simbahan na naging sentro na ng mga pag-aaral at pagninilay ng mga eksperto sa simbahan.
Sa halip aniya na gumanti ng hindi tama sa mga naging pahayag ng Pangulo, hinimok ng Kardinal ang lahat na maglatag ng mga solusyon at mahinahong tugon sa naturang usapin.
Kasalukuyang nasa Switzerland si Cardinal Tagle para dumalo sa United Nations Conference on Migrants and Refugees na inorganisa ni Pope Francis, Caritas Internatilnalis, World Council of Churches at iba pang mga grupo.
—-