Nasabat ng mga operatiba ng Food and Drugs Administration o FDA ang tinatayang nasa isanlibong (1,000) kahon ng mga hindi rehistradong katol o mosquito repellent sa Pasig City.
Kasama ng mga operatiba ng FDA ang regional mobile force battalion ng National Capital Region Police Office o NCRPO, inisa-isa nila ang mga puwesto sa Pasig City Market.
Nakumpiskahan ang ilan sa mga tindahan sa lugar ng mga produktong may pangalang “Wawang Katol”, “Bao Ma” at “Gold Deer” na mas mura kumpara sa mga kilala nang produkto subalit nakasasama naman sa kalusugan kapag nalanghap ang amoy nito.
Babala ng FDA, hindi dapat tangkilikin ang isang produkto kahit pa ito’y mura o di kaya’y epektibo lalo’t hindi naman ito sumailalim sa kanilang pagsusuri kaya’t hindi ito dapat ibinebenta sa merkado.
—-