Personal na binisita ni Senate President Vicente “Tito” Sotto ang sa PNP Custodial Center sa kampo Crame si Senador Leila de Lima.
Ayon kay Sotto, ginawa niya ito para personal na makita ang kundisyon ng kapwa senador.
Pinag-usapan din aniya nila ang mga panukalang batas na isinusulong ni De Lima at mga paraan kung paano ito mkakasama sa mga pagdinig ng Senado.
Mahigit isang taon ng hindi nakadadalo si De Lima sa mga committee hearing at sesyon matapos itong ipaaresto ng Muntinlupa Regional Trial Court sa kasong conspiracy to commit drugs.
Samantala, bilang pasalubong ay dinalhan pa ni Sotto si De Lima ng tinapa rice na luto ng kanyang misis na si Helen Gamboa.