Hindi na itutuloy ng National Democratic Front of the Philippines ang peace talks sa gobyerno sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito, ayon kay NDFP Chief Political Consultant at Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria Sison, ay dahil pa rin sa kabiguan ng Duterte administration na pagbigyan ang kanilang matagal ng hiling.
Kabilang na aniya rito ang pagpapalaya sa mga political prisoner.
Iginiit ni Sison na mas mabuting makibahagi na lamang sila sa Oust-Duterte movement o grupong nananawagan ng pagbibitiw sa pwesto ng Pangulo.
Nakatakda sana ang formal resumption ng usapang pang-kapayapaan sa pagitan ng NDF-CPP-NPA kahapon sa Norway subalit muling naunsyami matapos ang pahayag ni Pangulong Duterte na kailangan pa ng karagdagang panahon at konsultasyon.