Siyam na pribadong kumpanya ang nahaharap sa reklamong kriminal sa Department of Justice o DOJ dahil sa kabiguang magbayad ng tamang buwis sa gobyerno.
Kabilang sa ipinagharap ng Bureau of Internal Revenue o BIR sa DOJ ng reklamong tax evasion o paglabag sa National Internal Revenue Code ang mga kumpanyang Theaden Marketing Services na pag-aari ng isang Jennifer Dela Cruz Feliciano.
Ayon sa BIR, bigo ang Theaden na magbayad ng 17.8 million pesos na buwis para sa taong 2011 habang inireklamo rin ang kumpanyang CB Eugenio Enterprises Incorporated dahil sa 4.3 million pesos na buwis noong 2009.
Aabot naman sa 63.9 million pesos ang tax liability mula July hanggang December 2014 ng kumpanyang Daeah Philippines Incorporated na nakabase sa Kapitolyo, Pasig City.
—-