Ibinabala ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring lumala ang problema sa illegal drugs sa oras na matigil ang illegal numbers game na jueteng.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa 25th National Convention ng Vice Mayors League of the Philippines sa Panglao, Bohol.
Aminado ang Pangulo na bagaman nais din niyang matigil ang jueteng, dapat mabigyan ng alternatibong kabuhayan ang mga sangkot sa iligal na sugal dahil kung hindi ay maaaring lumalala ang problema sa iligal na droga.
Kung tutuusin anya ay mas pipiliin niyang mamayagpag ang jueteng kaysa sa iligal na droga pero hindi ito nangangahulugan na hindi siya aaksyon.
Samantala, posibleng ipatawag ni Pangulong Duterte sa Malacañang ang mga jueteng lord.
—-