Tinatayang nasa 11 milyong pisong halaga ng mga pekeng sabon, bag, gadgets, gamot at iba pang produkto ang winasak ng mga awtoridad sa Kampo Crame kahapon.
Pero ayon sa Department of Trade and Industry o DTI, maliit na bahagi pa lamang ang mga nasabat na pekeng produkto ng pambansang pulisya, National Bureau of Investigation o NBI at Bureau of Customs o BOC.
Ayon kay Undersecretary Ted Pascua, hepe ng Intellectual Property Rights Division ng DTI, aabot sa 6.7 bilyong piso ang kabuuang halaga ng lahat ng mga nakumpiskang pekeng produkto sa buong bansa.
Magugunitang sunud-sunod ang naging operasyon ng mga awtoridad sa iba’t ibang mall, palengke at mga bodega sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang bahagi ng kampaniya kontra sa mga pekeng produkto.
—-