Ipapatupad na ang paperless transaction sa Bureau of Customs (BOC) upang maiwasan ang korupsyon.
Sa bagong Customs Memorandum Order 29 – 2015, inaatasan na tanggalin na ang paggamit ng papel at iba pang mamahaling forms.
Bukod dito, sinabi ni Customs Commissioner Alberto Lina na layon din ng paperless transaction na mapabilis at mapadali ang transaksyon sa ahensya.
Kabilang sa mga tatanggalin ay ang import entry, internal revenue declaration form, supplemental declaration on valuation at ang print out ng electronic airway bill.
Dahil dito, inaasahang makakatipid ng hanggang 70 percent ang ahensya sa pondo para sa kanilang documentation at paper cost kada buwan.
By Rianne Briones