Aabot sa walumpung libong (80,000) seafarers o mga marino ang posibleng mawalan ng trabaho.
Ibinabala ito ni ACTS-OFW Party-list Representative John Bertiz sakaling bumagsak ang Pilipinas sa isinasagawang review ng EMSA o European Maritime Safety Agency.
Ayon kay Bertiz, maaaring mawalan ng trabaho ang mga marino na nagtatrabaho sa European merchant na mga barko kung mabibigo ang bansa na sumunod sa international convention on standards of training, certification and watch keeping for seafarers.
Paliwanag ng mambabatas, hindi na kikilalanin pa ng European shipping companies ang certification ng mga Pinoy seaman para makapagtrabaho sa kanila.
—-