Nakalaya na ang suspek sa pagpatay kay Father Richmond Nilo ng Nueva Ecija.
Ayon kay Atty. Larry Gadon, abogado ni Adell Milan, ibinasura na sa prosecutor’s office ang kaso laban sa kanyang kliyente dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.
Gayunman, kumbinsido si Atty. Gadon na kaso ng mistaken identity ang nangyari kay Milan.
“Mistaken identity po ito, nagkamali pero siyempre kasi they relied on the statement of the witnesses and the reports, and I cannot really say na nagkamali, ayoko naman silang husgahan nang ganun.” Pahayag ni Gadon
Cabanatuan RTC, naglabas na ng release order sa dating suspek sa pagkakapatay kay Father Richmond Nilo na si Adell Millan | via @JILLRESONTOC pic.twitter.com/aEzI4U7aSK
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) June 29, 2018
(Ulat ni Jill Resontoc / Patrol 7)