Siyam (9) ang patay habang apat ang sugatan sa pagsabog ng isang oil tanker truck sa Nigeria.
Ayon sa ulat, nagliyab ang naturang oil tanker truck at naglabas ng makapalas na itim na usok bago tuluyang sumabog.
Nadamay at nagliyab din sa insidente ang limampu’t tatlong (53) sasakyan na kinabibilangan ng limang bus, dalawang trak, isang tricycle at apatnapu’t limang (45) kotse.
Sinasabing brake failure ang sanhi ng pagsabog ng naturang oil tanker.
—-