Hindi na papasok sa PAR o Philippine Area of Responsibility ang binabantayang bagyo na may international name na Etau.
Sa halip, ipinabatid ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na tinatahak na ng bagyong Etau ang southern Japan.
Sinabi pa ng PAGASA na patuloy ding hahatakin ng bagyong Etau ang habagat na magdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
By Judith Larino