Tuloy pa rin ang pakikipag negosasyon ng pamahalaan sa CPP-NPA-NDF.
Ito ang tiniyak ni Government Panel Chair at Labor Secretary Silvestre Bello the Third sa harap ng patuloy na mga birada kay Pangulong Rodrigo Duterte ni CPP Founder Jose Maria Sison.
Sinabi ng kalihim na matatawag na “words of endearment” lamang ang mga binibitawang salita ni Sison lalot magkaibigan naman aniya ang mga ito at dati ring estudyante ng Communist Leader si Pangulong Duterte.
Binigyang diin pa ni Bello na wala namang bigat sa peacetalks ang mga pahayag ni Sison.
Matatandaang sinabi ni Sison mas gugustuhin niyang sumama sa mga grupong nais patalsikin sa puwesto ang Pangulo kaysa isulong ang peacetalks.