Inaasahan na ng Commission on Elections o COMELEC ang pagdagsa ng mga magpaparehistrong botante para sa magaganap na may 2019 midterm elections.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, tinatayang 1.5 milyon hanggang dalawang milyon ang kanilang inaasahang magpapalista sa halos tatlong buwang registration period mula Hulyo 2 hanggang Setyembre 29.
Kaugnay nito, ipinabatid ng COMELEC na maaari na rin magparehistro sa ilang mga barangay, public plaza, eskwelahan at iba pang lugar dahil sa kanilang isasagawang satellite o offsite registration.