Naging matipid ang sagot ni Jolo Revilla ng tanungin kung kumusta na ang kaniyang puso?
Ito’y matapos umugong ang balitang hiwalay na sila ni Jodi Sta. Maria.
Sa isang panayam, ang tanging naging sagot lamang ni Jolo ay “ayos naman … getting there”.
Hindi tinukoy ni Jolo kung getting there ba ito sa pagmo-move one o pagtungo sa pag-aayos ng problema nila ni Jodi.
Tanging naidagdag na lamang ni Jolo ay mas naging responsable siyang tao dahil sa kasintahan.
8 years na ang relasyon nina Jolo at Jodi kaya’t maraming nanghihinayang simula nang kumalat ang balitang hiwalay na ang dalawa.