Naniniwala ang Quezon City Police District o QCPD na ang pinaigting na kampanya kontra tambay ang dahilan kung kaya’t matagumpay nilang nalalabanan ang kriminalidad sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay QCPD Director Chief Superintendent Joselito Esquivel Jr. marami silang natatanggap na mga positibong feedback kaugnay sa patuloy na implementasyon ng anti-loitering campaign.
Sa katunayan, ayon kay Esquivel, dating magulo ang bahagi ng Visayas Avenue ngunit nalinis na aniya ito ngayon at nawala na ang mga kumakanta at mga nakahubad sa kalye.
Bumaba narin aniya ang bilang ng mga kaso ng snatching sa malaking bahagi ng lunsod ng Quezon.
Masaya namang ibinalita ni Esquivel na mula sa 300 na naaresto sa unang linggo ng pagpapatupad ng anti-tambay campaign, bumaba na lamang ito ngayon sa 80 hanggang 100.