Patay ang 2 Briton na miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS sa airstrike mismo ng United Kingdom sa Syria.
Kinilala ang mga nasawing Briton na sina Reyaad Khan at Junaid Hussain.
Ayon sa ulat, si Khan ang target ng naturang operasyon dahil sa pagpaplano ng mga pag-atake sa UK.
Nanindigan si British Prime Minister David Cameron na tungkulin nang pamahalaan na pangalagaan ang seguridad ng kanilang mga mamamayan kayat kailangang isagawa ang naturang pag-atake.
By: Ralph Obina