Pabor si Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang same sex-union o ang pagsasama ng magkaparehong kasarian.
Ito ang reaksyon ng Malakaniyang sa nagpapatuloy na debate sa korte suprema hinggil sa constitutionality ng naturang panukala.
Gayunman, nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na mariing tinututulan ng pangulo ang kasal sa pagitan ng magkaparehong kasarian dahil labag iyon sa itinatakda ng family code.
“Now, kung same sex marriage po ang pinag uusapan, pati po si presidente, tutol sa same sex marriage pero yung union po, pabor po diyan si presidente, para lamang maayos yung iba’t ibang aspeto ng pagsasama ng kaparehong kasarinlan. Now I don’t think the current challenge in the Supreme Court questioning the constitutionality of Article of one of the family code, defining a marriage between a man and a woman will actually succeed on the basis of the oral arguments conducted. Parang wala pong pag-asa na manalo yang kaso na yan sa Supreme Court but I could be wrong.”