Muling binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Diyos matapos niya itong tawaging estupido.
Sa pagkakataong ito, kinuwestyon ni Pangulong Duterte ang konsepto ng langit at impiyerno sa kanyang speech sa founding anniversary ng Southern Leyte.
Ipinagtataka ng Pangulo kung bakit nilikha ng Diyos ang impiyerno upang parusahan ang mga masamang tao sa halip na magpatawad.
Hindi rin anya siya naniniwala sa konsepto ng purgatoryo bagkus ay mas naniniwala siya na isa lamang ang pupuntahan ng tao sa sandaling sumakabilang-buhay na kundi langit.
“Kaya dun daw ako ilalagay ng Ginoo sa impiyerno, na baliw na. Yung diyos ko walang impyerno, walang langit. Iyung impiyerno ko, hindi g*** ng Diyos na iyung iba, gumagawa ng impiyerno. Bakit mo ako gagawan ng impiyerno na… ano bang kasalanan ko? Iyung mga babae-babae? Ano ba iyan, para sa lipunan na ilalagay mo ako sa impiyerno? Ang Diyos, all forgiving. ‘Di iyan marunong maglagay sa impyerno, hindi ‘yan totoo. Hindi rin totoo ang purgatoryo, langit lang iyan.” Pahayag ng Pangulong Duterte
—-