May bago nang Pangulo ang Mexico sa katauhan ni Andres Manuel Lopez Obrador kapalit ni Enrique Peña Nieto.
Umani ng mahigit dalawampung (20) milyong boto o landslide victory si Obrador sa katatapos lamang na eleksyon.
Nagpasalamat naman ang bagong-halal na Presidente kay US President Donald Trump sa pagbati nito at tiniyak ang muling pagpapalalim ng relasyon ng Estados Unidos at Mexico.
Bagaman kilalang kritiko ni Trump, tiniyak ni Obrador na i-rerespeto ng kanyang administrasyon ang US government sa kabila ng polisiya nito kontra Mexican migrant.
—-