Umaasa si Samahang Basketbol ng Pilipinas Chairman Senador Sonny Angara na hindi hahantong sa pagkaka-ban ng Pilipinas sa Fiba World Cup ang naganap na rambulan sa pagitan ng Gilas at Autralian Boomers.
Ito ay matapos mauwi sa gulo ang laban ng Pilipinas at Australia sa 3rd quarter ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na ginanap sa Philippine Arena kagabi.
Ayon kay Angara, maituturing lamang na isolated incident ang nangyari at hindi naman ito pinag-planuhan ng sinumang miyembro ng koponan.
“Hindi naman series of incident ito, ito ay isolated incident, spontaneous naman ang nangyari, hindi naman planado at hindi malisyoso, pero hindi talaga kanais-nais maaaring may mga suspension na ipataw, sana hindi naman ban ang ipataw ng FIBA, dahil prior to this incident maganda naman ang record ng ating bansa.” Ani Angara
Samantala sinabi ni Angara na posibleng nagkaroon din ng pagkukulang ang mga tumatayong referee sa naturang laro dahil nabigo ang mga itong mapigilan ang pagkakainitan nina Gilas Point Guard Roger pOgoy at Boomers Shooting Guard Chris Goulding.
“Ilang play na silang nagtutulakan, nagsisikuhan, siguro early on puwedeng sabihan na ng mga referee na kapag may nangyari ay talagang idi-disiplina na ang mga player, pero nakailang play ‘yun eh, siguro 3 or 4 plays na nag-uusap nagsisikuhan, pero parang wala palang gagawin eh so tumaas na ‘yung mga player.” Pahayag ni Angara
(Ratsada Balita Interview)