Wala nang sino mang ligtas sa bansa ngayon.
Ito ang reaksyon ni Senador Antonio Trillanes matapos mabaril at mapatay si Tanauan City Antonio Halili habang dumadalo sa flag raising ceremony.
Ayon kay Trillanes, sa kabila ng pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte noong kampanya na ibabalik ang kapayapaan at kaayusan sa bansa ay tila naging murder capital na ang Pilipinas sa Asya.
Hindi na rin aniya ito nakagugulat dahil noong alkalde pa ng Davao City si Pangulong Duterte ay ginawa rin nitong murder capital ng Pilipinas ang lungsod.
Iginiit pa ni Trillanes, kung totoo mang sangkot sa iligal na droga si Halili, hindi aniya ito katwiran para ipapatay ang alkalde.
Kasabay nito, hinimok ni Trillanes ang PNP-CIDG at NBI na gawin ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Halili.
(With report from Cely Ortega- Bueno)