Maaaring direktang maiugnay sa impunity at climate of killing na nilikha ng Duterte administration ang kaso ng pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili.
Ayon kay Hontiveros, ang ganitong klase ng political assassination o extrajudicial killing ay direktang pag-atake sa demokrasya ng bansa.
Lumilitaw aniya na inabandona na ang proseso ng hustisya at sa halip idinadaan na lang sa karahasan at madugong paraan ang mga isyu.
Dagdag pa ni Hontiveros, dinala ng kasalukuyang administrasyon sa madilim na bahagi ang bansa.
Iginiit pa ng Senadora, mas mataas ang banta sa seguridad ng mga ordinaryong Filipino ngayon dahil kung ang mga opisyal at kahit mga pari ay pinapatay sa harap ng publiko.
—-