Tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakasundo sila ni Catholic Bishops Conference of the Philippines President Archbishop Romulo Valles.
Kasunod ito ng anunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kasado na sa Lunes, Hulyo 9 ang pulong nila Pangulong Duterte at Valles sa Malakanyang.
Ayon kay Pangulong Duterte, tulad niya mapagbiro at mahilig ding magpatawa si Valles na tubong Bohol.
Iginiit pa ng Pangulo na hindi niya nais ng away sa simbahang Katolika at makabubuti kung kanilang pagsisikapan ni Valles na gawin ang nararapat para sa ikabubuti ng lahat ng Filipino.