Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Air Force na ipagpapatuloy ang pagiging mapagmatyag kontra sa banta ng terorismo.
Sa kanyang speech sa 71st Anniversary ng PAF sa Villamor Air Base sa Pasay City, inihayag ni Pangulong Duterte na hindi pa nwawala ang banta ng mga grupong nais maghasik ng kaguluhan sa bansa.
Dahil dito, maka-aasa anya ang airforce sa tulong ng gobyerno sa pagbibigay seguridad at sa katunayan ay naglaan na ng malaking pondo para sa modernisasyon.
Ipinagmalaki pa ng punong ehekutibo na na-kumpleto na ang acquisition ng defense surveillance radars, utility aircraft at unmanned aerial vehicles upang mapunan ang pangangailangan ng militar.