Hindi na papayagan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang Maynilad at Manila Water na ipasa sa mga consumer ang kanilang corporate income tax.
Ito’y makaraang mabulgar na kabilang sa hirit ng Manila Water at Maynilad ang pagpasa ng kanilang corporate income tax o C.I.T. Sa lahat ng mga consumer sa susunod na limang taon.
Mula 1997 hanggang 2012 ay ipinasa ng mga nabanggit na water concessionaire ang kanilang C.I.T. sa bill ng mga customer.
Ayon kay Atty. Patrick Ty, chief regulator ng M.W.S.S. hangga’t walang kautusan ang Korte ay hindi nila papayagan na mapabilang muli ang corporate income tax sa bill ng mga consumer.
Samantala, sa Agosto na ilalabas ang rekomendasyon ng consultant ng MWSS-Regulatory Office kung magkano ang magiging water rate injustment subalit hindi pa ito pinal.
Lagpas na 11 Pesos per cubic meter ang hirit na dagdag ng Maynilad habang 8 Pesos per cubic sa Manila Water.