Unti-unti nang nanunumbalik ang puwersa ng Islamic State ilang buwan matapos ang kanilang pagkatalo sa digmaan sa Iraq at Syria.
Pinaniniwalaang nasa walong libo hanggang sampung libo pang ISIS member ang nananatili sa Syria at Iraq batay sa mga nakalap na impormasyon mula sa Syrian at Kurdish militias.
Nananatili namang at-large ang ISIS leader na si Abu Bakr Al-Baghdadi sa kabila ng ilang ulit na pagtatangka ng US at Russian forces na siya ay patayin.
Samantala, patuloy ang paglulunsad ng pag-atake ng Syrian at Russian forces sa mga nalalabing galamay ng ISIS.
—-