Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang interes sa numero unong tourist destination na isla ng Boracay, sa Malay, Aklan.
Ito ang nilinaw ni Pangulong Duterte sa gitna ng mga alegasyon na pawang malalaking business owner ang makikinabang sa anim na buwang rehabilitasyon ng isla.
Sa kanyang talumpati sa 31st Founding Anniversary ng Department of Environment and Natural Resources sa Quezon City, inihayag ng Punong Ehekutibo na tungkulin ng gobyerno na pangalagaan ang mahahalagang yaman ng bansa.
Dapat anyang silipin muna kung sino ang tunay na nagmamay-ari sa Boracay kaya’t magtatatag siya ng isang lupon na susuri sa ownership claims.
Nanindigan naman si Pangulong Duterte na makatuwiran ang hakbang ng gobyerno upang pangalagaan at protektahan ang naturang isla lalo’t ito ang pangunahing tourist spot sa Pilipinas na kilala sa buong mundo.
—-