Umakyat ang presyo ng ilang pangunahing bilihin simula noong July 1.
Kabilang dito ayon sa Department of Trade and Industry o DTI ang ilang brand ng sardinas, beef loaf, meat loaf at corned beef na nasa 65 sentimo hanggang P1.45 ang itinaas.
Ilang brand ng evaporated at condensed milk ay tumaas din ng piso hanggang 2 piso at 50 sentimos naman ang itinaas ng isang brand ng sabong panlaba.
Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na ang mga nasabing brand ay hindi nagtaas ng presyo sa pagsisimula ng taon subalit kailangang itaas ang presyo dahil sa pagtaas din ng raw materials at iba pang factors.
Kasabay nito binalaan ng DTI ang mga grocery at supermarket sa pagtataas ng presyo ng mga naunang stock ng produkto na nabili nila sa murang halaga.
—-