Isa nang super typhoon ang bagyong mayruong international name na Maria.
Ayon sa US Joint Typhoon Warning Center, taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 260 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 316 kada oras.
Inaasahang papasok ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility sa Lunes, Hulyo 9 pero Linggo pa lang ay palalakasin na ito ng Habagat na posibleng magdala ng mga pag – ulan.
Sinabi ng PAGASA na tatawagin itong bagyong “Gardo” sa sandaling pumasok na ng bansa.