Ligtas na nakapag emergency landing ang isang eroplano ng Philippine Airlines Express flight 2-0-2-1.
Ito ay matapos matanggal ang isa sa apat na gulong ng eroplano habang papa-alis sa Ninoy Aquino International Airport.
Gayunman, naka-alis na ang eroplano patungong Masbate nang maitawag sa piloto ang pagkakatanggal ng isang gulong nito.
Dahil dito pinabalik ang eroplano sa NAIA at pinag emergency landing.
Narekober naman ang natanggal na gulong eroplano sa runway 3-3-1.
By: Ralph Obina