Libu-libong mamamayan ng Tanauan City, Batangas ang lumahok sa ‘Walk of Justice’ o solidarity march kasabay ng paghahatid sa huling hantungan ni Mayor Antonio Halili ngayong araw.
Ito, ayon kay Tanauan City Acting Mayor Jhoanna Villamor, ay upang ipanawagan ang katarungan para sa pinaslang na alkalde.
Nagsimulang mag-martsa ang mga Tanaueño ala sais kaninang umaga sa Plaza Mabini patungo sa bahay ni Mayor Halili sa Josefa Village, Barangay Sambat kung saan siya nakaburol.
Matapos nito ay dumiretso sa St. John the Evangelist Parish Church kung saan isang misa ang isinagawa kaninang 8:00 hanggang 9:30 ng umaga.
10:30 ng umaga hanggang 2:30 naman ng hapon ay dinala ang labi ng alkalde sa Tanauan City Hall para sa isang public viewing at necrological service.
Isa namang funeral march ang isinagawa mula Tanuan City Hall hanggang Loyola Gardens kung saan inihimlay si Halili ng 3:00 ng hapon.